Disiplina ng Tamang Pagsamba

0
IMG_0108[1]

Ang salitang “worship” ay hango sa salitang “weorthscype” o “worthship”, ibig sabihin ay ang pagbibigay ng karampatang parangal at pagkilala. Ang Dios ay marapat lamang sambahin sapagkat Siya ang soberano, makapangyarihan at katas-taasang Dios na lumikha sa atin.

Sa aklat ng Revelation ay ating mababasa ang walang tigil  na pagsamba ng mga anghel. Ito ay dahil kanilang nakikitang kalualhatian ng Dios.  Ngunit kung wala sa langit, paano makikita ang kalualhatian ng Dios?

Una ay sa Kanyang nilikha. Pagsamba sa Lumikha ang tamang reaksyon kung mamasdan ang magagandang tanawin at kamangha-manghang nilalang ng Dios. (Roma 1:20) Ikalawa, ang Biblia gayon din, ay nagpapahayag ng kalualhatian ng Dios. Kaya’t katungkulan natin na kilalanin ang Dios sa mga pahina nito. Sa pagbabasa natin ng Biblia, ang Banal na Ispiritu ang magpapakita ng kalualhatian ng Dios at Siya rin ang hihimok sa atin na Siya ay sambahin. Ikatlo, ang kalualhatian ng Dios ay malinaw na ipinakita sa atin ni Hesus sapagkat Siya ay Dios. Sa pagbubulay-bulay natin ng Kanyang katangian ay makikita natin ang kagandahan ng Dios. Kung ang puso at isip ay nakatuon sa kagandahan at kalualhatian ng Dios, ang natural na tugon ng kaluluwa ay ang pagsamba sa Dios.

Kaya ang pagbubulay ng salita, ay mahalagang bahagi ng pagsamba. Maging ang mga awit at panalangin ay nakabatay din sa mga nakasulat sa Biblia.
Subalit anumang pagsamba na hindi nakatuon ang isip sa Dios ay hindi tunay na pag-samba. Kung sa ating pag-awit ay hindi natin iniisip ang Dios, hindi tayo sumasamba. Kung hindi natin iniisip ang Dios at hindi nakikiisa sa panalangin, hindi tayo sumasamba. Ang puso at isipan na nakatuon ang pansin sa kadakilaan ng Dios, ay tiyak na tutugon sa pamamagitan ng pagbibigay ng karampatang pagsamba. Ang ganitong pagsamba lamang ang katangap-tanggap sa Dios.

Isinalin sa Filipino, mula sa aklat ni Whitney, Donald S. 1991. Spiritual Disciplines for the Christian Life. Colorado Springs. Navpress, pp 81-83

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top