Ang Kahalagahan ng Oras
0Mas nararamdaman ang halaga ng pera kung wala ka nito. Gayun din, higit na nagiging mahalaga ang oras sa oras ng kamatayan. Nang malapit nang mamatay si Voltaire ay kanyang sinabi, “Ibibigay ko ang kalahati ng lahat ng nasa akin, para sa 6 na buwang buhay.” Ang mga huling salita naman ni Thomas Hobbes ay ito: “O ang halaga ng buong mundo katumbas ng kahit isang araw na buhay.” Sa mga ganitong tagpo, mabuting matutunan ang pagkakaroon ng tamang relasyon sa Dios, upang maging payapa sa oras ng kamatayan.
Napakasaklap ng panghihinayang sa mga huling oras ng ating buhay. “At Ikaw ay mananangis sa katapusan ng iyong buhay … at iyong sasabihin “Tunay na ang pangaral ay aking kinamuhian, at hinamak ng aking puso ang pag-saway, hindi ko sinunod ang tinig ng aking mga taga-pagturo, o ikiniling ko man ang aking pandinig sa aking mga guro. Ako’y nasa bingit ng lubos na kapahamakan.” (Kawikaan 5:11-14).
Subalit ang tamang pagpapahalaga sa oras ay habang may oras o buhay pa hindi kapag malapit na itong mawala upang sa huling oras, ito ang maging kaaliwan para sa iyo. Kay laking pakinabang kung ating sundin ang resolusyon ni Jonathan Edwards “Aking itinalaga na akoy mamumuhay ayon sa kung ano ang aking nanaisin kapag ako’y mamamatay na.” Ang hamon sa atin ay gawing pakinabang ang mga oras na mayroon tayo.
Kung mayroon man tayong pagsisisihan sa langit, ito ay ang hindi pagsasamantala na gamitin ang ating oras para sa kaluwalhatian ng Dios at paglago sa biyaya. Sa Lukas 16:25 ay mababasa ang laking panghihinayang ng taong mayaman na naparoon sa impiyerno. Ang sabi ni Richard Baxter sa mga hindi Kristiano, “Hindi ba madurog ang kanilang puso, na ang kanilang mga araw ay inuubos sa kawalan, na dapat sana ay ipaghanda sa pangwalang-hanggan? Tunay na Ipagpapalit ng mga nasa impiyerno ang kanilang libo-libong araw sa isang araw dito sa lupa dahil sa kanilang dinaranas ay kanilang natutunan ang halaga ng oras. Magpahalaga tayo sa oras ayon sa sinabi ng Biblia at disiplinahin natin ang ating mga sarili tungo sa kabanalan.
Whitney, Donald S. 1991. Spiritual Disciplines for the Christian Life. Colorado Springs. Navpress, pp 127-128