Ang Paghihirap ni Kristo

0
IMG_5759

Ang tindi ng pagkasuklam ni Kristo sa kasalanan (dahil ito ay paglapastangan sa Kanyang Ama) ay naipahayag sa paghihirap Niya sa Krus. Dito, Kanyang pinawi ang kahihiyan na ibinigay ng kasalanan sa Dios. Subalit sa Krus din Niya naramdaman ang matinding poot ng Dios sa kasalanan. Kung kayat sa Krus ay nagtagpo ang pag-ibig ni Kristo sa Dios at ang masaganang biyaya para sa makasalanan.

Sa Krus, naramdaman Niya ang pinakamababang pakikitungo ng tao, ngunit para sa mga pinili, ang paghihirap na ito ay walang kasing-halaga. Ipinalagay Siya ng mga tao na para bang walang karapatang mabuhay ng kanilang isinigaw, “Ilayo Siya, Ilayo Siya, Ipako Siya sa Krus!” (Juan 19:15). Siya ay nagdusa sa kamay ng Ama, na parang ang Kanyang kasalanan ay walang hangganan, dahil ang lahat nating mga kasalanan ay ini-atang sa Kanya. At sa Kanyang pagpapailalalim sa sukdulang paghihirap, Siya ay naging karapat-dapat sa kalualhatin ng pagtataas sa Kanya. (Filipos 2:8,9). Dahil din dito, Siya ay itinataas na “karapat-dapat” ng mga anghel at mga mananam-palataya. “Ang Kordero na pinaslang ay karapat-dapat” (Apoc 5:12). Narito ang kahanga-hangang pagsasanib ng kalualhatian ni Kristo at ang Kanyang pagpapapakababa at pagmamahal sa mga hindi karapat-dapat.

Matindi ring pagdurusa ang naramdaman ni Kristo sa kamay ng mga disipulo. Sila ay hindi nagpakita ng pakikiramay sa Kanyang kabigatan. Hindi sila makatagal na maghintay kahit isang oras noong Siya ay nananalangin. Nang si Kristo ay dakpin, sila ay nagsitakas, maliban kay Pedro na itinatwa naman siya ng may pagsumpa ng tatlong beses. Subalit sa oras na iyon, Siya ay nagdurusa para sa kanilang kaligtasan. Maari din na ang Kanyang dugo ay nabuhos sa ilan sa mga nagpako sa Kanya; sa mga taong ipinapa-nalangin Niya habang Siya ay nakabayubay sa Krus, at sa mga taong nanalig kay Kristo dahil sa pangangaral ni Pedro (Lukas 2:36-37,41). Doon sa Krus nagliwanag ang pagtatagpo ng katarungan at biyaya para sa katubusan ng makasalanan.

Sa Krus, si Kristo ay nagpailalim sa kasamaan ng mga kaaway (Lk 22:53). Ngunit sa Kanyang huling paghihirap, binuwag Niya ang kaharian ni Satanas sa kanilang teritoryo, gamit ang sarili nilang sandata, gaya ng pag-putol ni David sa ulo ni Goliath. At sa Kanyang paghihirap tayo ay nakatanggap na hindi masukat na kaginhawahan.

Mula sa The Excellency of Christ. Works of Jonathan Edwards. Vol 2. (USA: Banner of Truth Trust). 1974.

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top