Panalanging Nakalulugod Sa Dios
0“Datapwa’t hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idadagdag sa inyo.” Mateo 6:33
Hanggang ang ating puso ay nasa sanlibutan, madali tayong madadala sa mga kaisipan at kaabalahan sa mundo. Hanggang hindi natin ihinihihiwalay ang ating ispiritu sa mga bagay sa mundo, ang ating panalangin ay mababaw at hindi makaabot sa langit.
Malimit na pinakikitunguhan natin ang Dios na tulad ng mangmang. Naghahandog tayo ng matinik at mabahong bulaklak sa Dios, sa halip na maganda at mabangong bulaklak. Ito ay dahil sa ang ating mga panalangin ay nahahaluan ng makamundong-kaisipan. Kaya’t ang inihahandog nating insenso ng panalangin ay may halong asupre.
Sa biyaya ng Dios, magsikap tayo na i-angat ang ating puso mula sa kamunduhan, palapit sa presensya ng Dios. Kung iwanan natin ang mapang-akit na sanlibutan, ang ating puso ay magiging kaisa ng Dios at mararanasan natin ang lubos na kaaliwan. Bagamat ang ating katawan ay nasa lupa, ang ating ispiritu ay papailanlang sa langit na para bang tayo’y nababalutan ng kalualhatian ng Dios. Ito ang ating dakilang layunin – na makasama ang Dios sa langit. Nasa lupa man tayo, ngunit sa taos-pusong pananalangin, madadama natin ang presensya ng Dios.
Malaya tayong humiling sa Dios ng mga kailangan natin sa araw-araw at ibibigay ito ng Dios, ayon sa Kanyang kalooban. Subalit mas kalugod-lugod sa Dios kung tayo ay hihiling ng mga biyayang ispiritwal. Kung ang Dios ay ating Ama sa langit, Siya ang dapat na pangunahin sa ating buhay. Ang laman ng ating mga panalagin ay dapat na patungkol sa kaharian ng Ama. Sa bawa’t panalangin, sikapin nating magkaroon ng makalangit na kaisipan. Nasa lupa man, ay may langit na mararanasan.
Mula sa Works, i:60-62 ni Thomas Watson