Bakit Pupunta Ang Makasalanan Sa Impiyerno?
0Marami ang nagtatanong: “Bakit itatapon ng Dios ang tao sa impiyerno, gayong siya ay Dios ng pag-ibig?
Sinasabi ng Biblia na ang kasalanan ang naghiwalay sa atin sa Dios, Siya na daluyan ng lahat ng katuwaan at pagmamahal, karunungan at lahat ng mabubuting bagay. Kung wala ang presensya ng Dios sa atin, ito ay isa nang impiyerno. Ang taong wala kay Kristo ay wala ring kakayahan na magbigay at tumanggap ng pag-ibig at katuwaan.
Ang impiyerno ay apoy sa Biblia dahil ito ay tumutupok. Sa lupa makikita natin ang pagtupok sa kaluluwa dahil sa kanyang pagiging makasarili. Dito nag-uugat ang inggit, kapaitan, kalungkutan, likong kaisipan at iba pang kasamaan. Dahil hindi namamatay ang kaluluwa ng tao, ang impiyerno ay ang pagpapatuloy lamang ng makasariling buhay. Ang impiyerno ay ang piniling buhay ng isang tao na maging malayo sa Dios magpasawalang-hanggan.
Sa impiyerno, nararanasan ng tao ang pag-iisa dahil sa patuloy na paninisi sa iba sa kanyang sinapit na kalagayan. “walang nakakaunawa, walang nakakaintindi!”. Ang buhay na hindi nakasalig sa Dios ay patuloy na naghahanap ng bagay na makapagpapasaya na hindi maabot kaya’t patuloy at patuloy itong hinahanap na nagdudulot ng pagkawasak. Ito ang pinagmumulan ng “pagkahumaling” or “addiction”. Nagpapatuloy ito sa impiyerno sa mas malaking pagkawasak na walang katapusan.
Ang mga kaluluwa sa impiyerno ay miserable. Subalit naroon ang nag-uumapaw na pagmamataas, pagka-habag sa sarili, ang pagiisip na lahat ng tao ay mali, lahat ay hangal. Siya ay walang bahid man lamang ng pagpapakumbaba. (Kaya hindi siya makagagawa ng anumang gawa ng pagmamahal o kabutihan.).
Hindi masisisi ng tao ang Dios kung sila ay masadlak sa impiyerno. Ito ay kanilang pinili at hindi nila gugustuhin ang mapunta sa langit.
Kaya anong palad ng mga nakasumpong ng kaligtasan kay Kristo.
Mula sa The Reason For God: Belief in an Age of Skepticism. Tim Keller.