Sa Krus ay ipinakita ang kahalagahan ng kaluluwa ng isang tao. Sinabi ni Hesus “Sapagka’t anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay? (Mark 8:37) Si Kristo ay napako sa Krus upang iligtas ang ating imortal na kaluluwa. Sinuman na manampalataya kay Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ay makakatakas sa galit ng Diyos.
Mahalaga rin ang katawan at marami pa sa buhay natin ang mahalaga. Subali’t ang mga ito ay nawawala, nasisira o naluluma. Sa ating kamatayan, iiwanan din natin ito. Subalit ang kaluluwa ay hindi mamamatay. Ito ay magpasawalang hanggan.
Ito ang itinuturo ng Krus ni Kristo. Siya ay dumating sa lupa hindi… continue reading..
Ano pa hahanapin ng bayan ng Diyos? Tayo ay nakatanggap ng Kanyang hindi masukat na pagmamahal. Mula pa ng hindi maarok na simula ay inibig na tayo ng Diyos. Walang mabuti o ni katiting man na kagandahan sa atin, subalit tayo ay kinalugdan ng Diyos. Isinugo Niya ang Kanyang Anak, si Kristo-Hesus upang magbayad ng ating mga kasalanan. At sa malupit na kamatayan sa Krus, iniaalay Niya ang Kanyang buhay upang tayong marumi at hindi karapat-dapat ay mailapit muli sa Diyos, at maging karapat-dapat na mamamayan ng Langit.
Disenyo ng Dios na ang tao ay manirahan sa isang magandang halamanan. Nang pinili ng taong magkasala, kinailangang bungkalin niya ang lupa at sa kanyang pawis ay pagyamanin ito. Ngunit sa sandaling magpabaya, sari-saring damo, kulisap at hayop ang titira dito, hanggang sa ito’y unti-unting sakupin ng damuhan.
Ganyan ang larawan ng puso ng isang Kristiano. Kung hindi maging maingat at masipag na linangin ang puso sa kabanalan, ay maaaring tubuan ng binhi ng masama at kainin ng kamunduhan.
Hindi natural na gustuhin ng tao ang mga bagay na patungkol sa Dios. Ang hilig ng kanyang puso… continue reading..
Sa Lumang Tipan, ang mga pari ay nag-aalay ng handog at nagsusunog ng insenso tuwing umaga sa templo ng Panginoon. Ang mga mang-aawit naman ay nagpapa-salamat din sa Dios tuwing umaga. Malimit ding mabanggit sa Mga Awit ang pag-aalay ng papuri sa Dios sa umaga. Bilang bayan ng Dios, marapat lamang na simulan natin ang ating araw sa paglapit sa ating butihing Dios ng may pagpupuri at pagpapasalamat.
Sapagkat sa bawat pag-gising, panibagong lakas ang bigay ng Dios. Nakatulog tayo ng mahimbing, gayong ang iba ay sa lansangan at maruming sulok nagpalipas ng gabi. Ligtas tayo sa panganib ng digmaan, kalamidad at… continue reading..
Ikaw ang pinakamaganda o pinakamakisig na nilalang sa lupa. Nakabihis ka ng pinakamamahaling kasuotan. Nakatira ka sa isang mala-palasyong tahanan at sa garahe, naroon ang iyong koleksyon ng mamahaling sasakyan. Natitikman mo ang lahat ng kasaganaan na mayroon sa mundo. Ngunit kung lahat man ng kayamanan sa mundo ay sa iyo, maaari mo bang tumbasan ang halaga ng iyong kaluluwa? Ang sabi ni Hesus “Sapagka’t anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang kaluluwa? “ (Markos 8:37).
Bakit namatay si Hesus? Namatay Siya hindi upang bigyan tayo ng maginhawang buhay, o magsimula ng repormasyon sa lupa, kundi iligtas ang ating mga kaluluwa…. continue reading..
“Sinabi sa kanya ni Hesus, ‘Hindi ba sinabi Ko sa iyo, na kung ikaw ay sasampalataya, ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos.”Juan 11:40
Hindi maunawaan ni Maria at Marta kung bakit naantala ang pagdating ng Panginoong Hesus. Kaya’t kanilang nasabi, “Panginoon, kung narito Ka sana, hindi sana namatay ang kapatid ko” (Juan 11:21, 32). Maaaring ganito ang kanilang iniisip, “Panginoon, hindi namin maunawaan kung bakit hindi ka agad dumating at hinayaan Mong mamatay ang taong Iyong minamahal. Ngayon huli na ang lahat dahil patay na si Lazaro!”
Ang pagpapawalang-sala (justificaiton) ay ang pagdedeklara ng Dios na ang makasalanan ay wala nang kasalanan at hindi na huhusgahan pa. Ang ibig sabihin nito ay hindi na rin siya parurusahan ng Dios sa impiyerno. Ito ay minsanang ibinibigay sa sinumang tumanggap kay Kristo bilang kanyang Panginoon at Tagapagligtas. Gaano man kasama ang isang tao ay maaring mapawalang-sala kung siya ay magsisi at manampalataya kay Kristo.
Nang mapawalang-sala ang isang makasalanan, hindi ipahihintulot ng Dios na siya ay manatili sa kasalanan. Kaya’t ibinibigay din ng Dios sa kanya ang biyaya ng “pagpapabanal” matapos ang pagpapawalang-sala. Ang pagpapabanal (sanctification) ay ang nagpapatuloy na pagbabago ng Dios sa kilos at pag-uugali ng isang dating makasalanan. Binibigyan… continue reading..
Maaari na mayroon tayong dinadalang kabigatan. Bilang mga anak ng Dios, iba’t-ibang pagsubok ang maaari nating maranasan. Panalangin ang katapat ng anumang pagsubok. Sa pananalangin, lumalapit tayo sa Dios na S’ya lamang ang makapag-aalis ng lungkot at kahirapan. “Nang magkagayo’y dumaing sila sa PANGINOON sa kanilang kahirapan, at iniligtas niya sila sa kanilang kapighatian.” (Mga Awit 107:28). Ang Dios ay may kapangyarihan na gawing pag-papala ang anumang pagsubok. Isang malaking pribilehiyo na makalapit sa Dios, at nais Niyang tugunan ang ating mga panalangin. Maaaring tayo ay may karamdaman, pumanaw ang mahal sa buhay, nawala ang ating ari-arian, o nanganganib ang ating buhay. Ang Dios na makapangyarihan ang maaari nating takbuhan. Hindi Niya tayo binigo kahit minsan. Ang… continue reading..
“Kung ang Dios ang tumatawag upang manampalataya ang isang ito, gaano
man ang kanyang pagnanais na maging Kristiano ay hindi siya maliligtas, kung
hindi naman siya pinili.” Ito ang kalimitang argumento ng mga taong hindi
naniniwala sa Doktrina ng Pagpili at
ginagamit na matibay na dahilan upang sabihing ito ay mali. Subalit kung uunawaing
mabuti ang mga talata sa Biblia, malinaw na itinuturo ang katotohanan ng
Doktrina ng Pagpili.
Halimbawa, kung ang pagkain ay inihain sa isang nagugutom,
pwede ba niyang sabihin “Hindi ko alam
kung nais ng Dios na mabusog ako sa pagkaing ito, kaya kahit na anong
pagkagusto ko ay alam kong hindi ito para sa akin.” Hindi ba mas matuwid na
sabihin, “Ang pagkaing ito ay inihain sa akin at… continue reading..
“Upang kung paanong ang kasalanan ay naghari sa kamatayan, ay gayundin naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng pagiging matuwid tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin.” (Roma 5:21)
Ang kasalanan ay tulad
sa isang hari na may kapangyarihang sumira
at pumatay. Ang biyaya ay isa ring malakas
at makapangyarihang hari ngunit may
pagmamahal na nagliligtas.
Ang iniligtas ng Dios ayon sa Kanyang mabiyayang kalooban ay
tunay at lubos na naligtas. Ang biyaya na nagligtas sa kapangyarihan ng
kasalanan ay siya ring maghahatid sa buhay ng kabanalan. Kung ang biyaya ay
limitado lamang sa kaligtasan (at hindi ang pagpapabanal (sanctification), hindi
sigurado ang hahantungang ng isang Kristiano. At kung ang kabanalan… continue reading..