“Dios Ko, Dios Ko, Bakit Mo Ako pinabayaan?” Mga Awit 22:1

0
IMG_5761

Narito ang kalaliman ng kapighatian ng Tagapagligtas. Sa sandaling ito, naranasan ni Hesus ang pinakamapait na kalagayan. Ang yugtong ito ay punong-puno ng kabigatan kung kaya’t ang Tagapagligtas ay napasigaw, “Dios Ko, Dios Ko, bakit mo ako pinabayaan?”. Sa oras na iyon, binabata ni Hesus ang matinding paghihirap ng Kanyang katawan at kaisipan dahil sa panglalait, paghamak at kahihiyan. Ngunit ang mas matinding pasakit na hindi masusukat, ni maipapahayag man ng tao ay nang ang presensya ng Ama ay lumayo sa Kanya. Ito ang pinakamadilim at malagim na pangyayari sa Kalbaryo. At si Hesus ay kusang bumaba sa di maarok na kalaliman ng pagdurusa.

Walang tao ang makakaunawa sa kahulugan ng mga salitang ito. Ang pait ng mga katagang ito ay hindi natin kailanman mararamdaman. May iba na maaring masambit ito (“Dios ko, bakit mo ako pinabayaan.”), sa panahon na dumaranas ng maraming pagsubok. Kung minsan ang ngiti ng Panginoon ay natatakpan ng maitim na ulap, at iniisip natin na lumayo sa atin ang Dios. Ngunit kalimitan, ang mga hinaing na ito ay resulta ng kawalan ng pananampalataya. Dapat nating tandaan na hindi tayo kaylan man iniiwan ng Dios. Ito lamang ang ating pakiramdan. Ngunit sa Panginoong Hesus, ang Dios ay totoong lumayo sa Kanya sa mga oras na iyon. Sa oras na binabata Niya ang matinding pagdurusa para sa ating kaligtasan.

Sa mga tunay na mananampalataya, maaring dumaranas ka na ng kalungkutan at kabigatan sa iba’t-ibang pagsubok. Tandaan mo na hindi ka iniiwan ng Dios. Ang Dios na sa tingin mo ay nagkukubli sa ulap ay Siya ring Dios na nagliliwanag sa kalualhatian ng Kanyang biyaya.

Sa mga sandaling iniisip natin na hindi tayo sinasamahan ng Dios, hindi ba tayo ay lubos na nalulungkot? Gaano pa kaya ang pagkahapis na naramdaman ng ating Tagapagligtas ng Siya ay sumigaw “Dios Ko, Dios Ko, bakit Mo Ako pinabayaan?”

Mula sa Morning and Evening Meditation ni Charles H. Spurgeon. April 15, 2015

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top