Dapat na Ibahagi ang Ebanghelyo

0

 

IMG_0215[1]

Ang pagbabahagi ng Salita ng Dios ay utos sa bawat Kristiano. Hindi dapat hintayin na dumating ang oportunidad, kundi dapat ay gumagawa tayo ng oportunidad para dito. Nang sinabi ni Hesus na “magliwanag kayo sa sanlibutan”, ang kahulugan nito ay ang aktibong pag-gawa upang magliwanag. Kailangan ng disiplina para dito.

Maaring sabihin ng iba na kapos ang kanilang kaalaman sa Biblia kaya hindi sila nagbabahagi ng ebanghelyo. Ngunit ang bulag na pinagaling ni Hesus ay agad nagpatotoo sa ginawa ni Hesus sa kanya. Siya ay nagsabi: “Isa lamang ang nalalaman ko, bagaman ako’y bulag, ngayo’y nakakakita ako.”. (Juan 9:25). Kung naunawaan natin kung paano tayo naligtas, kaya natin itong ibahagi sa sinumang wala pa kay Kristo.Sa Colosas 4:5-6 ay mababasa, “Magsilakad kayo na may karunungan sa nangasalabas, na inyong samantalahin ang panahon. Ang inyong pananalita nawa’y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong malaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa’t isa.”

Mahalaga na nasa isip natin ang pagbabahagi ng Salita ng Dios sa tuwing may nakakausap tayong hindi Kristiano. Dapat ay gumagawa tayo ng puwang upang ang kanilang puso at isipan ay maging bukas sa ebanghelyo. Maaring tanungin natin sila kung ano ang nais nilang ipanalangin natin, o imbitahin sila sa ating bahay para sa isang lunch or dinner. Dito ay makikita nila kung paano tayo mabuhay bilang Kristiano.

Ang gawaing paglilingkod ay isa ring mabisang paraan para buksan ang pintuan ng ebanghelyo, katulad ng pagtulong sa mga nangangailangan, pagbisita sa may sakit o pag-alalay sa mga nalulungkot. Ngunit kailangan pa rin tayong mangusap tungkol sa ebanghelyo, sapagkat dito kumikilos ang kapangyarihan ng Banal na Ispiritu.

Kasama rin ng disiplina ng pag-eebanghelyo ay ang pagsuporta sa Mission’s Work. Hindi man tayo aktibo sa pangangaral ng Salita ng Dios sa iba’t-ibang lugar, maari naman tayong makatulong sa pagpapalaganap nito kahit sa malayong lugar. Ito ay sa pagbibigay ng financial na tulong, pananalagin, pag-alam sa gawain at kahandaan na tumulong kung kailangan. Ito ay ang pag-ganap ng Great Comission. Lahat ng Kristiano ay dapat sumunod sa utos na ito.

Hango sa Aklat ni Donald S. Whitney. Spiritual Discipline for the Christian Life. 1996. pp 100-105

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top