Disiplina Tungo sa Kabanalan

0

 

photo 2

Ang disiplinang walang direksyon ay nakakabagot. Si Kevin na nag- nag-eensayo ng pag-gigitara habang ang mga kaibigan niya ay masayang naglalaro ay mababagot sa disiplinang ito. Ngunit kung isama si Kevin ng isang anghel sa concert ng isang sikat na gitarista at sabihin  sa kanya, “Ikaw  ang gitaristang iyan pag dating ng araw, kaya dapat kang mag-ensayo.” Sa puntong ito ay mag-iiba ang pananaw ni Kevin sa kanyang pag-eensayo.  

Ganyan din ang disiplina sa buhay-Kristiano. Sa tingin ng marami, ito ay nakakabagot. Ang pananalangin, pagbubulay ng Salita, pagbabasa ng Biblia at iba pang ispiritwal na tungkulin , minsan ay nagiging paulit-ulit na lamang.

Ano ba tayo pagdating ng panahon?. Sinasabi sa Roma 8:29 “ Sapagkat ang mga nakilala Niya nang una pa ay itinalaga naman Niya na maging katulad sa larawan ng Kanyang Anak upang Siya ang maging panganay sa maraming makakapatid” at sa I Juan 3:2 “…at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin na kung siya’y mahayag, tayo’y magiging katulad Niya…”

Bagamat itinalaga ng Dios na tayo’y maging kawangis in Kristo sa Kanyang pagbabalik, subalit ito ay dapat pagsikapang makamit. Tayo ay inutusan, “Kung walang kabanalan, walang makakakita sa Panginoon.” Hebreo 12:14. Kaya nga sinasabi sa I Tim 4:7 “Sanayin mo ang iyong sarili sa kabananalan.”. Kung iniisip natin  na ang pakay ng ispiritwal na disiplina ay maging kawangis ni Kristo, ang mga pagsasanay na ito ay magiging katuwaan, hindi nakakabagot.

Ang sabi ni Dallas Willard “Ang nais ko ay maging katulad ni Kristo,sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya sa lahat ng pamamaraan ng Kanyang buhay. Kung mayroon tayong pananampalataya, malalaman din natin kung paanong mabuhay ng makadios. Sa pamamagitan ng pananampalataya at biyaya, magiging kawangis tayo ni Kristo sa pag-gawa ng bagay na ginagawa Niya upang laging makaugnayan ang Ama.”

Ang mga kristianong walang ispiritwal na disiplina ay wala ring bunga at kapangyarihan sa kanilang buhay. May mga Kristianong masipag sa mga bagay ng Dios, subalit hindi nagiging epektibo dahil walang disiplina sa malalim na pakikipag-ugnayan sa Dios. Sila ay napapalibutan ng ginto, subalit ayaw yumuko upang pulutin ang mga hiyas sa paligid kaya’t sila ay nananatiling salat sa Ispiritwal na kayamanan.

Isinalin sa Tagalog, mula sa aklat ni Whitney, Donald S. 1991. Spiritual Disciplines for the Christian Life. Colorado, Navpress   Pp 13-19

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top