Gumagapang na Damo

0

Disenyo ng Dios na ang tao ay manirahan sa isang magandang halamanan. Nang pinili ng taong magkasala, kinailangang bungkalin niya ang lupa at sa kanyang pawis ay pagyamanin ito. Ngunit sa sandaling magpabaya, sari-saring damo, kulisap at hayop ang titira dito, hanggang sa ito’y unti-unting  sakupin ng damuhan.  

Ganyan ang larawan ng puso ng isang Kristiano. Kung hindi maging maingat at masipag na linangin ang puso sa kabanalan, ay maaaring tubuan ng binhi ng masama at kainin ng kamunduhan. 

Hindi natural na gustuhin ng tao ang mga bagay na patungkol sa Dios. Ang hilig ng kanyang puso ay mga bagay na nagpapasarap sa laman; gumawa ng kasalanan at lumayo sa Dios. Ang tukso ay parang gumagapang na damo, kung hindi ito bunutin kaagad ay sasakupin ang ating buong katauhan. 

Mahalagang maalala sa tuwina na ang ilang ay laging nagugutom. Kung kaya’t hindi dapat pabayaan ang mga bago pa sa pananampalataya. Para sa mga nangangaral ng Salita ng Dios, hindi rin sapat na aktibo sa pangangaral at kulang sa pangangalaga sa mga kaluluwang tumanggap kay Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas. Ang puso ng gma ito ay parang sakahan na dapat linangin o sila ay kakainin ng damo. Ang bawa’t Kristiano ay kailangang magbantay sa kaaway, maging masipag sa pananalangin at nagpapa-alalahanan sa isa’t-isa. Kung hindi baka tayo rin ay kainin mga gumagapang na damo.

Mula sa aklat na The Root of the Righteous. (The Hunger of the Wilderness) ni A.W. Tozer

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000