Hindi Hadlang Ang Doktrina ng Pagpili (Election) sa Kaligtasan
0“Kung ang Dios ang tumatawag upang manampalataya ang isang ito, gaano man ang kanyang pagnanais na maging Kristiano ay hindi siya maliligtas, kung hindi naman siya pinili.” Ito ang kalimitang argumento ng mga taong hindi naniniwala sa Doktrina ng Pagpili at ginagamit na matibay na dahilan upang sabihing ito ay mali. Subalit kung uunawaing mabuti ang mga talata sa Biblia, malinaw na itinuturo ang katotohanan ng Doktrina ng Pagpili.
Halimbawa, kung ang pagkain ay inihain sa isang nagugutom, pwede ba niyang sabihin “Hindi ko alam kung nais ng Dios na mabusog ako sa pagkaing ito, kaya kahit na anong pagkagusto ko ay alam kong hindi ito para sa akin.” Hindi ba mas matuwid na sabihin, “Ang pagkaing ito ay inihain sa akin at ito lamang ang papawi ng aking gutom, kaya kakainin ko ang pagkaing nakahain sa akin.”
Si Kristo ang Tinapay ng Buhay, ang pagkain ng ating kaluluwa na inihahandog para sa lahat ayon sa biyaya. “Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi kailanman mauuhaw.” (Juan 6:35).
Ang magandang balita ay para sa lahat ng makasalanan. Lahat sila ay inaanyayahan na tumanggap ng espiritwal na biyaya. “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.” (Mateo 11:28). Ang taong nababagabag sa kanyang kalagayan ay lalapit kay Kristo at hindi niya iisipin kung siya ba ay pinili o hindi. Huwag maging hadlang ang Doktrina na Pagpili para sa iyong kaligtasan.
Mula sa aklat na By God’s Grace Alone ni Abraham Booth