Huwag Bigyan ng Halaga ang Pangsamantala.
0Ikaw ang pinakamaganda o pinakamakisig na nilalang sa lupa. Nakabihis ka ng pinakamamahaling kasuotan. Nakatira ka sa isang mala-palasyong tahanan at sa garahe, naroon ang iyong koleksyon ng mamahaling sasakyan. Natitikman mo ang lahat ng kasaganaan na mayroon sa mundo. Ngunit kung lahat man ng kayamanan sa mundo ay sa iyo, maaari mo bang tumbasan ang halaga ng iyong kaluluwa? Ang sabi ni Hesus “Sapagka’t anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang kaluluwa?” (Markos 8:37).
Bakit namatay si Hesus? Namatay Siya hindi upang bigyan tayo ng maginhawang buhay, o magsimula ng repormasyon sa lupa, kundi iligtas ang ating mga kaluluwa. Ang kaluluwa ang pinakamahalaga sa tao. Mamatay man ang katawan, ang kaluluwa ay mananatiling buhay magpakaylanman. Subalit hindi ito binibigyang pansin ng maraming tao. Abala sila sa pag-sasaayos ng pangsamantalang buhay. Walang ginagawang preparasyon sa pangwalang-hanggan. Aktibo ang kaaway na iligaw ang pansin ng tao sa mga bagay na ispiritwal.
Sa talinghaga ng mayaman at si Lasarus, ipinakita ang masaganang pagkain ng isang mayaman, habang nag-aabang ng mahuhulog na pagkain ang mahirap na si Lazarus. Subalit sa kanilang kamatayan, si Lasarus ay humantong sa kandungan ng ama at ang mayaman ay nagbukas ng mata sa nag-aapoy na impiyerno. Sa kinalagyan ng mayaman anong naging halaga ng kanyang kayamanan sa lupa. At kay Lazarus, maaalala pa ba niya ang kanyang naging kahirapan?
Huwag tayong padaya kay Satanas. Bigyan natin ng importansya ang tunay na mahalaga para sa ating kaluluwa.
Hinango sa Walking with God Day by Day Martin Lloyd-Jones