Huwag Kaligtaan ang Pananalangin
0Delikado para sa kaluluwa na humarap sa sanlibutan ng hindi nananalangin. Totoo na madali tayong matukso na gawing maikli ang panalangin, lalo pa kung pagod sa maghapong paggawa o inaantok na. Paggising sa umaga, madala ring magmadali sa pananalangin at pagbubulay ng Kanyang mga salita dahil sa naghihintay na mga gawain.
Ngunit tayo ay nalilinlang kung akala natin ay walang epekto ang mga ito sa ating mga buhay.Ang maraming tukso ay nag-aabang sa atin at hindi tayo handa na harapin ang mga ito. Madali tayong malinlang ng kasalanan. Madali nating magustuhan ang mga bagay na makamundo. At kung tayo’y tunay na Kristiano, may bigat sa ating puso dahil alam natin na malayo tayo sa Dios. Kung hindi tayo nagiging tapat sa Dios, ito ay nagbibigay sa atin ng lungkot at pagkabalisa.
Kapag pinabayaan natin ang pananalangin at (pati na rin ang ating daily devotion), ang ginhawa at ibayong lakas na ibibigay sana ng mga sandaling iyon ay hindi na kailanman mapapasaatin. Pinapalampas natin ang biyayang dulot ng bawat sandali ng pananalangin sa Dios.
Para kay Hesus, ang paggising ng maaga ay kailangan upang ilahad ang laman ng Kanyang puso sa Kanyang Ama sa langit. Tayong mahihina at nakadepende sa Dios, hindi kaya mas kailangan natin ang manalangin? Ang Dios ang bukal ng lahat ng mabuti at dalisay na biyaya. Maaari tayong mapuspos nito kung lalapit lamang tayo sa Dios sa pananalangin.
Ang buhay na walang panalangin ay walang lakas at kapangyarihan. Kung kinakaligtaan natin ang ating buhay-panalangin, ang naririnig natin ay ingay ng kaabalahan. Kaya’t may kaguluhan sa ating mga puso. Ngunit mayroong katahimikan at saya ang taong masigla ang buhay panalangin.
Mula sa Streams in the Dessert ni L.B. Cowman