Ingatan Mo Ang Iyong Pananampalataya

0

Ingatan mo ang iyong pananampalataya sapagkat dito lamang dumadaloy ang pagpapala mula sa Diyos. Mas mabisa ito sa panalangin, dahil kung panalangin lamang at walang pananampalataya, hindi sasagot ang Diyos sa iyo.

Ang pananampalataya ang nag-uugnay sa langit at lupa. Sa daang ito ng pananampalataya umaagos ang pagmamahal ng Diyos, kaya’t bago ka pa man humiling sa Diyos, dumadating na ang sagot sa iyong panalangin. “Ito ang ating kapanatagan sa kanya, na kung tayo’y humingi ng anumang bagay na ayon sa kanyang kalooban, tayo’y pakikinggan niya.”  (I Juan 5:14). Kapag naputol ang linya ng pananampalataya paano mo matatanggap ang Kanyang matatamis na pangako?

Ikaw ba ay nakakaranas ng kabigatan at pagsubok? Makakatanggap ka ng tulong sa pamamagitan ng iyong pananampalataya. Ito ay naipapakita sa nagpapatuloy na pagtitiwala at pagkapit sa Dios.  Ikaw ba ay napapalibutan ng kaaway? Ang iyong kaluluwa ay ligtas kung sa pananampalataya, ikaw ay hihilig sa Diyos. Subalit kung walang pananampalataya, walang tutugon sa iyong tawag. May malaking balakid sa daan papuntang langit. Paano mo makakausap ang Hari?

Ang pananampalataya ang nag-uugnay sa Banal na Espiritu at dinadamitan ka Niya ng kapangyarihan na galing sa Diyos. Sinisigurado ng pananampalataya na ang bawat katangian ng Diyos ay para sa iyong depensa upang magtagumpay ka sa pwersa ng impiyerno. Tagumpay kang haharap sa iyong mga kaaway. Subalit kung walang pananampalataya wala kang matatanggap na kahit anumang biyaya at tulong mula sa Diyos.

O Kristiano, pag-ingatan mo ang iyong pananampalataya. Subalit maraming tao ang nagnanais na maging praktikal. Ayaw nilang paniwalaan ang mga bagay na hindi nakikita. Subalit ito ang sabi ni Pablo, “…Ang lahat ng bagay ay maaring mangyari sa kanya na nananampalataya .”(Mar 9:23).

Pinaparangalan ng pananampalataya ang Diyos. Pinaparangalan ng Diyos ang taong  nananampalataya.   

 

Hango sa  Streams in the Desert, ni L.B. Cowman

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top