Kaligtasan Ayon Sa Biyaya Lamang
0
“Upang kung paanong ang kasalanan ay naghari sa kamatayan, ay gayundin naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng pagiging matuwid tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin.” (Roma 5:21)
Ang kasalanan ay tulad sa isang hari na may kapangyarihang sumira at pumatay. Ang biyaya ay isa ring malakas at makapangyarihang hari ngunit may pagmamahal na nagliligtas.
Ang iniligtas ng Dios ayon sa Kanyang mabiyayang kalooban ay tunay at lubos na naligtas. Ang biyaya na nagligtas sa kapangyarihan ng kasalanan ay siya ring maghahatid sa buhay ng kabanalan. Kung ang biyaya ay limitado lamang sa kaligtasan (at hindi ang pagpapabanal (sanctification), hindi sigurado ang hahantungang ng isang Kristiano. At kung ang kabanalan ay ayon sa sariling pagkilos, maaring magdulot ito ng pagmamataas. Hindi ba’t ito ay kabaligtaran ng biyaya?
Ang kasalanan ay isang malupit na diktador na nagtutulak sa atin sa kamatayan. Subalit ang biyaya ay umaabot sa lahat ng ating espiritwal na kailangan at magdadala sa atin sa buhay na walang-hanggan. Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang isang taong talamak sa kasalanan. Siya’y maaring maligtas ayon sa biyaya. Ang biyaya ay nakalaan lamang doon sa mga taong sa kanilang tingin ay hindi sila karapat-dapat. Ang biyaya ng Dios ay nakabase lamang sa perpektong pagsunod ni Kristo sa Ama. Hindi kayang sirain ng kasalanan ang ginawa ni Kristo. May pag-asa kahit ang taong lubhang masama, dahil kaya siyang abutin ng biyaya. Kamangha-manghang biyaya!
Sa mga Kristiano na patuloy na lumalaban sa kasalanan, huwag tayong manglumo. Ang biyaya ng Dios ang ating asahan. Ang kaligtasan ay ayon sa biyaya. Ang ating kabanalan ay ayon din sa biyaya.
Mula sa By God’s Grace Alone. Abraham Booth