Kalualhatian ng Dios kay Kristo

0


 

Ang kalualhatian ni Kristo ay taglay Niya mula pa noong walang hanggang simula. Nang Siya ay nagkatawang-tao, hindi nawala ang kalualhatiang ito (Juan 1:14). “At ngayon Ama, lualhatiin Mo Ako sa Iyong harapan ng kalualhatiang Aking tinaglay sa harapan Mo bago nagkaroon ng sanlibutan” (Juan 17:5).

Ipinahayag ni Kristo ang kalualhatian ng Dios sa lupa. Kalimitan, katulad Siya ng ordinaryong tao, subalit isang gabi, nagpakita Siya na puspos ng kalualhatian kay Pedro, Santiago at Juan (Lucas 9:28-36). Si Kristo rin ay babalik ng buong kalualhatian. “Pagkatapos ay lilitaw ang tanda ng Anak ng Tao sa langit, at tatangis ang lahat ng mga lipi sa lupa at makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kalualhatian” (Mateo 24:30). Sasalubungin Siya ng buong kagalakan ng Kanyang bayan, ngunit malagim na pagkasindak ang babalot sa mga hindi mananampalataya.

Ano ang ating tugon sa kalualhatian ni Kristo? Gaya ng salamin na naglalarawan ng ating anyo, dapat na maging salamin tayo ng kalualhatian ng Dios sa makasalanang mundong ito. Magsikap tayo tungo sa kabanalan upang ang kalualhatiang ito ay mas magliwanag sa ating mga buhay. Kung ano man ang ating ginagampanang gawain sa pamilya o sa lipunan, gawin natin ito ng may katapatan para sa kalualhatian ng Dios. At gaya ng mga anghel na nagsisipag-awitan (Lucas 2:14), malakas nating purihin ang Dios. Habang tumitingin tayo sa Dios, ang Banal na Ispiritu ay gagawa sa ating mga puso upang mabuhay tayo ng kalugod-lugod sa Dios at maipahayag natin ang kanyang kalualhatian.

 

Mula sa Strength for Today. John Macarthur. 1997. Acts 29 Publishing.

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top