Katotohanan Tungkol Sa Isang Kristiano
0Si John Owen ay may apat na paalala sa mga Kristiano. Una, siya ay nilikha ng Dios ayon sa Kanyang larawan upang mamuhay sa katuwiran ng Dios. Ang kanyang katauhan ay binubuo ng pang-unawa (mind), kalooban (will) at damdamin (affection).
Ang kaisipan ay pangunahin sa kaluluwa ng tao. Ito ang pumipili at nagtuturo ng direksyon o desisyon sa buhay. Tinatawag ito na mata ng kaluluwa. (2). Ang kalooban (will) ay ang disposisyon na kumilos ayon sa dikta ng kaisipan. (3) at ang damdamin ay nagbibigay ng malaking impluwensiya sa ating mga ginugustong gawin. Katulad ng manibela ng sasakyan, dinadala nito ang kaluluwa kung saan nito naisin, at kalimitan, lagi itong nananaig sa isang tao.
Ang tao ay nilalang upang malaman niya ang mabuti at masama, gamit ang kanyang isip (mind). At kung malaman ang mabuti, ito ay magdesisyon na gawin (will) ayon sa pagnanais ng damdamin. (affection)
Ang Dios na perpekto ang kabutihan, ay hindi agad tuwirang nangungusap sa ating kalooban at damdamin. Nangungusap muna Siya sa kaisipan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Kung ito ay matutunan, sumusunod ang pag-ayon ng kalooban at damdamin.
Ikalawa, siya ay makasalanan. Ang kasalanan ang naghiwalay sa kanya sa Dios. Nakikita sa buhay ng tao na siya ay makasalanan. Nakikita ito sa kanyang kilos at gawa. Sinira ng kasalanan ang kaayusan ng kanyang buhay at winasak ang kanyang pag-uugali. Ito ang dahilan kung bakit ang kaisipan, kalooban at emosyon ng tao ay kumukontra sa isa’t-isa. Ang maling kaisipan ay nagbibigay ng maling direksyon sa buhay. Ngunit minsan, kahit tama ang kaisipan, nilalabanan naman ito ng kalooban at lalo ng damdamin. Kalimitan, ang kaisipan ay pabago-bago at inililigaw ng iba’t-ibang layaw ng laman na nagdadala sa pagsuway.
Ang buhay-Kristiano ay dapat na may pagkamuhi sa sarili at hindi ito pinag-titiwalaan dahil nga sa likas na kasalanan nito. Ang ganitong pag-iisip ang panglaban sa kasalanan. Ang pagkakaroon ng lungkot at pagtingin ng may kababaan sa sarili ay kailangan upang magkaroon ng tunay na karunungan.
John Owen. Triumph Over Temptation: Pursuing a Life of Purity. Quezon City: Christian Growth Ministries. 2006.