Mahalin si Hesus ng Higit sa Lahat

0

 

Ang pagmamahal sa mga bagay na nilikha ay nakalilinlang at walang kasiguraduhan. Subalit ang pagmamahal ni Hesus ay tapat at walang hangganan. Sila na umaasa sa mga bagay na nilikha ay parang lumalakad sa madulas na bangin, at walang pasubaling mahuhulog sa pagkawasak.

Paano mamahalin ng mga Kristiano si Hesus? Patuloy na iwaksi ang mga bagay na makamundo at ialay ang pagmamahal, buhay at paglilingkod kay Hesus lamang. Hindi dapat magkaroon ng karibal si Hesus. Ituring Siya na pinakamahalaga sa ating buhay.

Sa mga nakatatanda, gamitin ang natitirang lakas at kakayahan sa paglilingkod kay Hesus. Ang buhay ng tao ay walang kasiguraduhan. Matalinong pagpapasya na iukol ang nalalabing buhay sa mundo upang maglingkod kay Hesus. Sa mga kabataan, mabuting gamitin ang kalakasan sa paglilingkod sa Dios at hindi sa mga bagay na nilikha na aagaw ng pagmamahal sa Kanya. Mahalaga rin na hubugin ang puso ng mga bata sa pagmamahal kay Hesus. Ang kanilang batang isip ay madaling iligaw patungo sa sanlibutan. Nakalulungkot na makita silang lumalakad patungo sa kapahamakan.

Italaga ang ating sarili sa katapatan ni Hesus. Iwanan man tayo ng buong mundo, ngunit kung nakahawak tayo kay Hesus, hindi tayo matitinag. Kung si Hesus ay nasa ating puso, walang magiging mahirap para sa atin. Kung mahal natin si Hesus ng higit sa lahat, dadalhin Niya tayo sa tunay na kaligayahan at kapayapaan, doon sa Kanyang maluwalhating piling.

 

Hango sa The Imitation of Christ, ni Thomas ‘A Kempis. Barbour Pub

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top