May Kabigatan? Maaari Kang Manalangin.

0

Maaari na mayroon tayong dinadalang kabigatan. Bilang mga anak ng Dios, iba’t-ibang pagsubok ang maaari nating maranasan. Panalangin ang katapat ng anumang pagsubok. Sa pananalangin, lumalapit tayo sa Dios na S’ya lamang ang makapag-aalis ng lungkot at kahirapan. “Nang magkagayo’y dumaing sila sa PANGINOON sa kanilang kahirapan, at iniligtas niya sila sa kanilang kapighatian.” (Mga Awit 107:28). Ang Dios ay may kapangyarihan na gawing pag-papala ang anumang pagsubok.  Isang malaking pribilehiyo na makalapit sa Dios, at nais Niyang tugunan ang ating mga panalangin. Maaaring tayo ay may karamdaman, pumanaw ang mahal sa buhay, nawala ang ating ari-arian, o nanganganib ang ating buhay. Ang Dios na makapangyarihan ang maaari nating takbuhan. Hindi Niya tayo binigo kahit minsan. Ang Kanyang tenga ay bukas sa lahat ng ating sumbong at hinaing. Magiging napakalungkot ng mundo kung walang panalangin. Mawawalan ng pag-asa ang tao kung hindi sila mapapahintulutang lumapit sa Trono ng Biyaya.

Walang taong mahirap na hindi kayang manalangin. Walang nabibigatang-lubha na hindi makakasumpong sa Dios. Walang itinakwil ng tao na hindi makikita ang Dios. Ang mga na kay Kristo ay may Dios na nagmamahal at i-aahon sila sa lahat ng kanilang kabigatan.

Ang mga pagsubok ay dinesenyo ng Dios upang tayo ay lumapit sa Dios sa panalangin, at upang ibalik ang nanlalamig na puso sa Dios.

Ang taong dumadaan sa pagsubok ay dapat manalangin at dapat ding himukin ang iba na siya ay ipanalangin. Kapag may pagsubok, tayo ay natutuksong magreklamo at mawala ang kasiyahan sa Dios. At kanino tayo dapat dumaing, kundi sa Dios lamang. Sa oras ng matinding pagsubok, kailangan ng matibay na pananampalataya at pag-asa. At panalangin lamang ang makakapagbigay at makapagpapalago ng mga biyayang ito sa ating puso.

Komentaryo sa Santiago 5:13 mula sa  E- Sword

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top