Pagpapawalang-sala at Pagpapabanal (Justification and Sanctification)

0

Ang pagpapawalang-sala (justificaiton) ay ang pagdedeklara ng Dios na ang makasalanan ay wala nang kasalanan at hindi na huhusgahan pa. Ang ibig sabihin nito ay hindi na rin siya parurusahan ng Dios sa impiyerno. Ito ay minsanang ibinibigay sa sinumang tumanggap kay Kristo bilang kanyang Panginoon at Tagapagligtas. Gaano man kasama ang isang tao ay maaring mapawalang-sala kung siya ay magsisi at manampalataya kay Kristo.

Nang mapawalang-sala ang isang makasalanan, hindi ipahihintulot ng Dios na siya ay manatili sa kasalanan. Kaya’t ibinibigay din ng Dios sa kanya ang biyaya ng “pagpapabanal” matapos ang pagpapawalang-sala. Ang pagpapabanal (sanctification) ay ang nagpapatuloy na pagbabago ng Dios sa kilos at pag-uugali ng isang dating makasalanan. Binibigyan siya ng Dios ng pag-ibig sa Kanya, sa Kanyang bayan at sa lahat ng bagay espiritwal na kaugnayan. Ito ay proseso kung saan ibinabalik ng Dios ang Kanyang imahen sa katauhan ng isang mananampalataya. Ito ang naghuhubok ng kabanalan sa puso ng isang dating makasalanan.

Ang kabanalan ay isang pagpapala ng bagong tipan at hindi kundisyon upang ang isang tao ay maligtas. Ang pinawalang-sala lamang ang makakatanggap ng biyaya ng pagpapabanal. Kaya ang pinawalang-sala lamang ang makagagawa ng mabuti sa harapan ng Dios.

Ginagamit ng Banal na Espiritu ang Biblia upang maghubog ng kabanalan sa puso. Kung mas malalim ang kaalaman natin sa mga katotohan ng Salita ng Dios, mas magkakaroon tayo ng bunga ng kabanalan sa ating buhay. Ganito kahalaga ang pagbabasa, pakikinig at pag-aaral ng Salita ng Dios.

Mula sa By God’s Grace Alone ni Abraham Booth

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top